هَذَا الْمَقَامُ الَّذِي لَاذَتْ بِهِ الْأُمَمُ
Ito ang himpilang pinanganlungan ng mga nasyon.
Tl
هَذَا الْمَقَامُ الَّذِي لَاذَتْ بِهِ الْأُمَمُ
وَأَذْعَنَتْ لِعُلَاهُ الْعُرْبُ وَالْعَجَمُ
Ito ang dakilang antas na naging kanlungan ng mga bansa
At nagpasailalim sa rurok nito ang mga Arabe at dayuhan
هَذَا مَقَامُ رَسُولِ اللَّهْ أَكْرَمُ مَنْ
جَاءَتْهُ مِنْ رَبِّهِ الْأَحْكَامُ وَالْحِكَمُ
Ito ang antas ng Sugo ng Allah, ang pinakamarangal na nilalang
Na pinagkalooban ng kanyang Panginoon ng mga batas at karunungan
هَذَا مُحَمَّدُ الْهَادِي الَّذِي مُحِيَتْ
عَنَّا بِنُورِ هُدَاهُ الْظُّلْمُ وَ الْظُّلَمُ
Ito si Muhammad ang Patnubay na siyang nagpawi
Sa amin ng mga kadiliman sa pamamagitan ng liwanag ng kanyang gabay
هَذَا الَّذِي قَدْ سَمَا فَوْقَ الْسَّمَا
إِلَى مَقَامِ عِزٍّ تَنَاهَتْ دُونَهُ الْأُمَمُ
Ito ang siyang pumailanlang nang higit pa sa kalangitan
Patungo sa rurok ng dangal na hindi maabot ng ibang mga bansa
يَا سَيِّدِي يَا رَسُولَ اللَّهْ يَا أَمَلِي
يَا مَنْ أَلُوذُ بِهِ إِنْ زَلَّتِ الْقَدَمُ
O aking pinuno, O Sugo ng Allah, O aking pag-asa
O ikaw na aking sinisilungan sa tuwing ang aking paa ay nadudulas
بِكَ اهْتَدَيْتُ إِلَى الْإِيمَانِ فَاتَّصَلَتْ
بِذَاكَ عِنْدِي مِنْ أَفْضَالِكَ الْنِّعَمُ
Sa pamamagitan mo ay nagabayan ako sa pananampalataya at nakamtan
Ang masaganang biyaya mula sa iyong mga pagpapala
صَلَّى عَلَيْكَ إِلَهُ الْخَلْقِ مَا سَجَعَتْ
وَرْقٌ وَمَا هَطَلَتْ مِنْ سُحْبِهَا دِيَمُ
Sumaiyo ang pagpapala ng Maylalang ng lahat hangga't humuhuni
Ang mga kalapati at bumubuhos ang ulan mula sa mga ulap